Gawad Galing Barangay

BULACAN LOGO Tagalog

Gawad Galing Barangay

Provincial Government of Bulacan

ggblogo

Sino ang pwedeng sumali?

  • Lahat ng Barangay na may gawain/proyekto na may isang (1) taon ng ipinatutupad.
  • Lahat ng Lingkod Barangay, Volunteer Workers, at Volunteer Group na mahigit isang (1) taon nang naglilingkod.
  • Lahat ng mga nagwagi na sa nakaraang Gawad Galing Barangay.

Paano ang pagsali?

  • Ang mga lahok ay maaaring sa pamamagitan ng direktang aplikasyon ng mga barangay o sa pamamagitan ng nominasyon ng mga ahensiya, o anumang grupo na may direktang pakikipag-ugnayan sa nasabing barangay.
  • Mag-download ng nomination forms sa https://gawadgalingbarangay.bulacan.gov.ph/ o magsagot online sa pamamagitan ng pag-click sa google form link.
  • Ipadala ang nasagutang form sa email ng gawadgalingbarangay@gmail.com sa o bago ang ika-31 ng Marso 2023

Batayan sa Pagpili at Mga Gantimpala

NATATANGING GAWAING PAMBARANGAY

  1. Mabisa (Effectiveness) - Nakapagsimula ng pagbabago sa pamayanan at nakapagbigay ng solusyon sa isang natukoy na suliranin.
  2. May pakikipagtulungan sa mga tao (People Empowerment) - May malinaw na balangkas ng pakikilahok ng mga nakinabang mula sa pagpaplano, pagpasiya, at hanggang sa aktwal na pagpapatupad nito.
  3. May tiyak na resulta (Positive Impact) – Kakayahan ng proyekto na mapaunlad ang panlipunan at material na kapakanan ng pamayanan.
  4. Maipatupad kahit na may pagbabago sa liderato (Sustainability) – Potensyal ng proyekto na maipagpatuloy sa kabila ng pagpapalit ng administrasyon.
  5. Kayang gayahin (Replicability) – Potensiyal na maging huwaran at maaaring gayahin o ulitin sa iba pang barangay.
  6. May kabaguhan at pagkamalikhain (Innovativeness and Creativity) – Nagpapakilala ng bago at malikhaing mga pamamaraan sa implementasyon at pamamahala ng proyektong pambarangay.

 

NATATANGING PUNONG BARANGAY

  • Ehekutibong Pamamahala
  • Pamamahala sa Lehislaturang Gampanin
  • Pamamahala sa Gampaning Pangkatarungan

NATATANGING KAGAWAD NG BARANGAY

  • Gampanin sa Sanggunian
  • Pagtulong sa Punong Barangay sa pagsasagawa ng mga gawain

NATATANGING KALIHIM NG BARANGAY

  • Pagganap ng tungkulin bilang Kalihim ng Sangguniang Barangay
  • Pagganap ng tungkulin bilang Kalihim ng Lupon sa Katarungang Pambarangay
  • Pag-iingat ng mga dokumento

NATATANGING INGAT-YAMAN NG BARANGAY

  • Tungkulin at Responsibilidad
  • Pag-iingat sa kaban at ari-arian ng Barangay

NATATANGING VOLUNTEER GROUP AT NATATANGING VOLUNTEER WORKERS

(Barangay Tanod, Lingkod Lingap sa Nayon, Barangay Health Worker, Mother Leader, Barangay Training and Employment Coordinator)

  • Makabuluhang ambag sa kanilang pamayanan
  • Pakikilahok sa samahang sibiko, pangrelihiyon, atbp.
  • Mga karangalan at pagkilalang natamo

Contact Us

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, makipag-ugnayan sa
Panlalawigang Tanggapan sa Pagpaplano at Pagpapaunlad (PPDO)
ikatlong Palapag, Provincial Capitol Building
Capitol Compound, Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Socially

Make a Call